You’ll soon realize that everything isn’t permanent. Believe me.
I thought three good years was enough for friendship to be tough enough to reach my expectations. But unfortunately, I somewhat failed. Madali mabago lahat. I dunno if it’s the schedule, the events that happened in the past, the division of sections, or the newly-found companies. But one thing’s for sure though, may nabago, may naiba, may kulang.
Mataas ang tingin ko sa pagkakaibigan. I can even go beyond limits para lang dun. Siguro dala na rin yun nung nangyari sakin nung highschool. I kept on searching for good friends before; I found a lot, pero karamihan nawala. We all end up just being mere acquaintances. But when I found another world in college, parang naging okay lahat. We all got along pretty well and everything fell into its proper place.
Tumagal ng tumagal, pero napapansin ko parang may naiba. May nagsasabi, meron pa daw grupo, yung iba naman, sabi wala daw. Confusing as it is, I went with the flow. Meron feeling na kakaiba pag nakikita mo yung friends mo na iba kasama tas nageenjoy sila. I’m not selfish. It’s just that mapapaisip ka kung ano ba kulang at ano nangyari. Siguro may inggit din na konti, maiisip mo rin na sana ikaw rin masaya.
Lalo ngayon na hiwalay ng section, it’s getting harder and harder to make ends meet. Marami na ring issues, like hindi kami ganun ka-close nung mga kaklase ko ngayon at ang hirap mag-adjust sa kanila to be able to fit-in and blend with them. Yung isang kaibigan ko, feeling niya hindi siya welcome dun sa section namin. Tas, pag mag-aaya ka, ang daming dahilan para hindi sila sumama, okay naman yung reasons, valid naman, kaso pag sinabi sayo na incentives lang ang ipupunta sa event at hindi para magsama-sama lahat, okay pa rin ba yun? Mas lalo masakit pag naisip mo na two years na lang, maghihiwa-hiwalay na talaga. Nadagdagan pa ng isang eksena kaninang umaga:
Friend 1: Di ba kaklase kita dun?
ME: Nde, IT-B ako dun. Solid ung mga subjects ko sa B eh.
Friend 1: Ok lang, Masaya naman kami, diba *friend 2*?
Friend 2: Onga, Masaya naman kami.
*Sabay alis*
Nasaktan ako dun. Ambabaw kasi. Parang ang dali lang maggawa ng division sa grupo kasi “MASAYA” sila kung sang lupalop man ng section nasaan sila. Ang tagal nagsink-in sakin na nasaktan pala ko dun. Yeah, corny at emo pero totoo. Parang nafeel ko na ganito yung gusto ipahiwatig kahit hindi naman ganito:
“Masaya kami sa section namin, ikaw ba?”
Okay lang sana kung hindi mo kaibigan yung nagsabi, hindi masakit, walang dating. Parang wala lang. Kaso, hindi ganun e.
Now, I’m trying to get by with what happened. Alam ko maliit na bagay lang, pero ang hirap kalimutan. I can’t tell what’s gonna happen next. Hindi ko kasi alam, kung ako lang ba nagiisip ng ganito o dala lang ng circumstances. Siguro, hinay-hinay muna ko sa mga usaping ganito. At least, pag ganun, naiisip ko na okay parin yung grupo namin. Walang naiba. Walang nabago.
1 comment:
kailangan mag-check:)
Post a Comment